Sabado, Enero 11, 2014

BLUE SKY (ACTION DELIVERY)



            Sa mundong ginagalawan natin maraming mahihiwagang bagay ang nagaganap. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit paiba-iba ang takbo ng buhay natin. Pero anuman ang maganap sa mundo at magbago man ang ihip ng hangin, mananatiling bughaw ang kalangitan.
            Umulan man ng malakas, gumabi man at dumilim sa labas, kinabukasan kasabay ng maliwanag na sikat ng araw, muli natin matatanaw ang bughaw na kalangitan.



UNANG KABANATA - ACTION DELIVERY

           Isang batang babae ang umiiyak sa isang kagubatan. Mag-isa lang siya. Nakayuko ang batang babae habang umiiyak.
          "Tumahan ka na," isang boses ng batang lalaki ang biglang nagsalita.
           Natuwa ang batang babae sapagkat may makaksama na siya sa kanyang pagkawala. Ngunit sa panahong titingnan na niya ang mukha ng batang lalaki - nagigising sya.
           "Badtrip", sambit ng dalawampung taong gulang na si Jezzel.
           Tiningnan niya ang oras sa alarm clock niya - 8:30AM. Mas badtrip dahil late na siya.
           Mabilis siyang naligo at nagbihis. Hindi na siya nakasabay sa pakain sa Lola  Aivon at sa pinsan  niyang si Dianne. Sumabit na lamang siya ng jeep at sumingit sa pila ng bilihan ng ticket sa LRT.
           Nakarating na sa Ortigas si Jezzel. Pumasok sa isang building at pumunta sa FLOOR NO. 69 - ang pinakamataas na floor. Nakarating na siya sa opisina ng may-ari ng building. Huminga muna siya nang malalim bago pumasok.
          " Good morning Tito Ems!" pagbati ni Jezzel.
          " Good morning Jezzel! Maganda alas-otso sa iyo!" sagot naman ni Tito Ems kay Jezzel.
          " Sisihin niyo po yung alarm clock ko. Nituring na alarm clock, hindi nag-alarm", paliwanag ni Jezzel.
          "Ok, huwag ka mag-alala at sanay na rin naman ako", sabi ni Tito Ems sabay ngiti.
          "Ang lesson dito, walang malakas na alarm clock ang sasapat sa isang taong puyat", sabi ni Jezzel sabay upo sa isang silya.
          " By the way, gusto kong ideliver mo ang package na ito kay Mr. Zoe", sabi ni Tito Ems at naglabas ito ng isang package. Manipis ito at may balot na kasing laki ng 1/2 illustation board.
          " Painting?" tanong ni Jezzel.
          " More important than a painting.  A picture paints a thousand words, but the memories behind the picture is more important", sabi naman ni Tito Ems na nagpangiti kay Jezzel. Alam ni Jezzel na importante ang package na ito.
           Muling naglakbay si Jezzel papunta sa isang condominuim kung saan nakatira si Mr. Zoe. At dahil sa isa na namang 'bad trip day' ang araw na ito, traffic na naman. mahigit tatlumpung minuto na ang lumipas at malapit na si Jezzel sa kanyang pupuntahan. Walang anu-ano'y biglang may dumaan na motorsiklo sa harapan ng taxi. Napapreno bigla ang taxi driver at halos tumilapon paharap si Jezzel sa loob ng taxi.
          "BWISIT KANG HAYOP KA! KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG KA MANDAMAY NG IBANG TAO!", sigaw ni Mamang taxi driver sa lalaking nakamotor na ngayon ay nasa malayo na.
           Inalala ni Jezzel ang package. Okay pa naman. Hindi na niya kailangang makipagduet sa pagsigaw ni Mamang taxi driver.
           Pagdating sa condominuim, habang nagtatanong si Jezzel sa receptionist kung saan ang kwarto ni Mr. Zoe ay biglang lumitaw ang lalaking nakamotor kanina. Hindi niya ito pinansin dahill mas ginusto niyang sagutin ang nagri-ring niyang cellphone.
         " Tito Ems nandito na po ako. Buong-buo pa ang package dont worry", sabi ni Jezzel sa tumawag na Tito Ems.
         " Nice. Nagpala Jezzel, hindi ko nga pala nasabi sayo. May di magandang ugali si Mr.Zoe. Medyo tanghali na siya kung magising  pero huwag mo sana hayaan na maunahan ka nya magising. Anuman ang mangyari dapat ikaw ang mauna. Bye!" paliwanag ni Tito Ems.
         "Miss saan po ba rito ang room ni Mr. Zoe? May package kasi akong ibibigay", sabi ng lalaki na may hawak na helmet sa kaliwang kamay at package na kagaya ng kay Jezzel sa kanang kamay.
         Biglang pumasok sa kokote ni Jezzel ang mga sinabi ni Tito Ems: "Anuman ang mangyari dapat ikaw ang mauna".
         Isa pa itong babala? Hindi kaya ang kakumpitensya na  kumpanya ni Tito Ems ang naghire kay Helmetman (lalaking nagtanong sareceptionist) na magdeliver din ng package na katulad niya kay Mr. Zoe? Hindi siya magpapatalo. Uunahan niya si Helmetman.
         Sabay na pumasok si Jezzel at Helmetman sa elevator. Ramdam ang kumpitensya sa mata ni Jezzel habang nawiwirduahn naman sa kanya si Helmetman.
        " Hindi ka nagtagumpay kanina sa pagbalak na pagbangga sa taxi ko", sabi ni Jezzel kay Helmetman na hindi naman pinansin nito. "Alam kong parehas tayong magdedeliver ng parehas na package kay Mr. Zoe, at hindi ako papayag na maunahan mo".
         Biglang sinipa ni Jezzel ang mukha ni Helmetman ngunit nakailag ito. Pinaulanan ni Jezzel ng suntok si Helmetman ngunit nasasalag ito ni Helmetman. Sumipa ulit si Jezzel at nahuli ni Helmetman ang paa nito.
        Bumukas ang pintuan ng elevator at nakawala ang paa ni Jezzel. Tumambling palabas ng elevator si Jezzel at nabigla ang mga tao. Ngumit ito dahil nakuha niya pala ang package na dala-dala ni Helmetman. Ibinato ni Helmetman ang helmet na hawak niya papunta kay Jezel ngunit nakailag ito gamit ang matrix style na pagliyad.
        Nagvertical cartwheel si Helmetman na sinundan ng pagsuntok sa sa sahig. Nagdulot ito ng pagkasira ng sahig na gumagapang patungo kay Jezzel. Nakilag si Jezzel ngunit hindi ang rebulto na naka-display sa likuran niya na ngayon ay napulbos na. Tumalon si Jezzel sa at sinipa-sipa sa ere si Helmetman at nang hindi na makasalag ay tumilapon pabalik sa elevator si Helemetman na sinundan nang malakas na pagsabog.
       "Ding dong!" at bumukas na ang pintuan ng elevator. Dismayadong naghihintay ang mga tao. Bumalik na sa realidad si Jezzel. Gayunpaman, tumakbo pa rin si Jezzel papupunta sa room ni Mr. Zoe. Tumakbo rin si Helemetman. Nag-unahan sila sa ROOM 541.
      "Ako ang nauna", sabi ni Jezzel sabay pindot sa doorbell.
      "Hindi mo naiintindihan, late na ang delivery ko. Kailangan akong mauna", sabi naman ni Helmetman.
      "Ako ang nauna", sambit ni Jezzel at tinulak si Helmetman.
      "Sabi ng ako!" sambit naman ni Helemetman na itutulak din dapat si Jezzel pero hindi itinuloy.
      "AKO!"
      "AKO!"
      "AKO!"
      "AKO!"
      "Ehem!" at biglang may nagsalita sa harapan nilang dalawa, "is there something I can help you?" tanong ni Mr. Zoe na nagbukas ng pintuan at nadatnan na nire-wrestling na ni Jezzel ang hindi naman lumalaban na Helmetman.
      Pumasok na sila Jezzel at Helemtman sa kwarto ni Mr. Zoe. Namangha silasa dami ng paintings sa loob.
      "Ito ang aking simpleng art room", pagkwento ni Mr. Zoe at iniabot na ng dalawa ang mga packages. 
      "Sorry po Mr. Zoe alam kong dapat kahapon ko pa naideliver ang package kaso nawala ko po ang address ng pagdedeliveran ko", paghingi ng tawad ni Helmetman.
       Ngumiti lamang si Mr. Zoe at binuksan ang dalawang packages. Itinikom naman ni Jezzel ang kanyang bibig.
       "Hindi mahalaga kung sino ang nauna. Ang dalawang packages ay mahalaga", at ipinakita ni Mr. Zoe na ang dalawang packages ay pinaghiwalay na painting ng bughaw na kalangitan. "HIndi mabubuo ang konsepto ng painting kung mawawala ang isa."
       Isinabit na ni Mr. Zoe ang pinagdikit na paintings sa gitna ng kwato.
      " Hangga't bughaw ang kalangitan, may pag-asa", makahulugang sambit ni Mr. Zoe.
       Hindi nagtagal ay umuwi na si Jezzel. Umuwi na rin si Helmetman na naguguluhan pa rin sa inasal ng wirdong babae kanina. Sa paglabas ng condominium ni Jezzel ay nakapulot siya ng isang wallet. Sa loob nito ay naroon ang picture ni Helmetman - si Mr. Michael Clifford. 





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento