Isang gabing nababalutan ng hinagpis. Handa na ang isang lalaki sa kanyang nais gawin. Pumasok na ang lalaki sa malapalasyong tirahan ng kanyang pakay. Wari nga'ng sa dami ng mga kwarto ay kabisado na ng lalaki ang kanyang daraanan. Sa kanyang paglalakad, bawat hakbang ay parang isang malaking hamon na kanyang pagdaraaanan. Bawat yapak ay parang malakas na yabag na tumatagos sa kanyang kaluluwa. Huminto ang lalaki. Sa harapan niya ay isang pintuan - ang lugar kung nasaan naroon ang halimaw ng kanyang buhay. Binuksan nya ang pintuan at nakitang malumanay ang pagkakahimbing ng halimaw na matagal na nya'ng nais tapusin. Nilabas ng lalaki ang isang patalim. Tinitigan ang walang kalaban-laban nya'ng biktima. Tinitigan niya ang halimaw. Ang tao pala at halimaw ay parehas maamo kapag nasa muindo ng panaginip. Lahat pala ay nagiging patas kapag nawawala ka na sa realidad. Muling itinago ng lalaki ang kanyang patalim at lumabas ng kwarto. Nagtungo ang lalaki sa sarili nyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama. Pumikit. Iniwan pansamantala ang mabagsik na mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento