Ang america ay isang estado na naniniwala sa demokrasya. Nais nitong maging pantay-pantay ang turing sa bawat mamamayan at sinisiguradog naririnig nito ang hinaing ng bawat mamamayan. Kung kaya naman malaya ang mga tao rito na mamuhay ng naaayon sa kanilang kagustuhan. Hindi ba't sa sobrang kalayaan nila ay naisabatas na ang same-sex marraige at iba pang mga batas na hindi katanggap-tanggap sa mga konserbatibong mga nasyon. Maging ang pagpili ng relihiyon ay sakop rin ng kalayaan nito. Kahit pa ang piliin nila ay sumamba sa kinikilala nating demonyo.
Isang satanic statue ang nais ipalagay ng isang grupo ng mga tao sa Oklahoma para maipakita ang kanilang satanic religion. Ang sabi nila, "kung naroon ang Ten Commandments Statue na nag-eendorse ng Christianism, hindi ba't makatarungan din na magpakita rin kami ng satanic statue para maipakita ang satanism?"
Samantala, ang sabi naman ng ACLU ( American Civil Liberaties Union) Mr.Herson' "Kung batas ang pag-uusapan, may karapatan nga ang mga taong iyun na i-express ang kanilang religion at ipalagay nga ang satanic statue. Dapat kasi sa simula pa lang ang gobyerno ay hindi na nag-endorse ng religion; kung hindi na maiiwasan, dapat maging neutral."